SK Reform Coalition nanawagan na dagdagan ang oras ang lugar ng registration

NANAWAGAN ang SK Reform Coalition sa Commission on Elections na magbigay ng sapat na lugar at oras upang makapagparehistro ang mga legal na puwedeng bumoto sa SK elections ngayong October 25.

Ayon kay SK Reform Coalition national coordinator Tristan Bringas, ang kakulangan sa lugar ng pagpaparehistro at kakulangan sa oras ang malaking  dahilan kung bakit maliit ang bilang ng mga nagpreshistro para sa SK elections noong 2007.

“Kung hinahamon naming ang mga puwedeng magprehistro para sa SK elections, hinahamon din naming ang Comelec na magbigay ng sapat na panahon at lugar para sa registration,” wika ni Bringas.

Idinagdag pa ni Bringas na 3 milyon lamang sa inaasahang 9 na milyong ang nagparehistro noong 2007.

Sinabi ni Bringas na malaking kadahilan nito ay dahil nasa mga pamantasan o kaya’y nasa paaralan ang mga botante.

“Sabay-sabay kasi ang SK at barangay registrations,” wika ni Bringas. “Idagdag pa rito ang kakulangan ng mga computers na ginagamit ng Comelec para sa registrations.”

“Inamin na nga ng Comelec na hindi sapat ang kanilang gamit para sa registration.”

Sinabi pa ni Bringas na babantayan ng coalition ang registration na magsisimula ngayon hanggang sa Agosto 15.

“Mula Biyernes ay mag-iikot ang coalition at ipapakalat namin ang mga kasapi sa buong Pilipinas upang magmatyag sa magiging kondukta ng registration,” dagdag ni Bringas.

Binubuo ang SK Reform Coalition ng Akbayan Youth, The First Time Voters Network (FTV), The Youth Student Sector of the National Anti-Poverty Commission (NAPC-YS), Movement for the Advancement of Student Power at Student Council Alliance of the Philippines (SCAP), Alyansa ng Nagkakaisang Lakas ng Kabataan (Alyansa) na may mga chapters sa iba’t ibang lalawigan.

-PRESS RELEASE

Contact Person:

Tristan@0939.315.9181

Emman Perez@0999.598.0720

This entry was posted in Position Paper. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s